seen-zoned? mas masakit pa ata sa friend-zoned.
at least ung friend-zoned close sila. ehh kami ng nang-seen zoned sa akin parang Hawaii to China - hard to reach!
ipapakilala ko sa inyo si Pao. siya ang childhood crush ko. well, since elementary crush na crush ko na yan. patay na patay ako sa mokong na yun. malay ko bang magtatagal hanggang ngayong college na ako. kahit di kami friends, not even close nor colleagues, we're strangers. but not completely, he knows me for some reason. magkalaban kasi kami always sa contests before.
nagsimula ang kwento ng na seen-zoned noong araw na gumawa ako ng pekeng twitter account para lang magpapansin sa kanya. kasi nga in person, di kami nagpapansinan, gustong gusto kong ngitian siya, lapitan siya, kausapin siya... pero he's so close but still a world away.
back to the twitter serye, yun nga nag reply ako sa mga tweets niya like good night. pinagsasabi ko nakakahiya nga eh.. i miss you pa. sabagay concealed ang true identity ng lola niyo.
then, nagka DM kami. pinaguess ko pa siya kung sino ako. nahulaan niya at alam niyo laking tuwa ng inosenteng puso ko ang fact na kilala pa niya ako. <3
i can't contain my happiness back then.
pero as days pass by, nag DDM ako di siya nagrereply. kinukulit ko walang pake. nagfafavorite ako ng tweets niya wah fave siya sa akinn.
that started the pain of seen-zoned. pain demands to be felt. but pain in seen-zoned makes me think that I am worthless. ganun na lang ba ako kapangit ha para maisnob?
okay, pangit nga ako pero kapag may nag-appreciate sayo di ba dapat thankful ka?
well,,, ang first love ko.. NBSB kasi ako. umaasang mapapansin ako ni Pao hanggang ngayon. umaasang magiging kami someday. umaasang nawawalan na ng pag-asa.
seen-zoned na masakit pero sampal sa mukha kong pangit sa katotohanan na di niya ako type at kailanman di niya ako mamahalin. salamat sa alaala aking childhood crush,.. sana yung mapili mong babae someday deserve ang pagmamahal mo. maswerte siya ano?
samantalang ako eto go on with life. ang pag-ibig nga naman oh.. pero ther's more to life than love. move on!
No comments:
Post a Comment