WELCOME TO MY BLOG SITE!


Tuesday, May 30, 2017

Paano mo nalaman?

Minsan na nga lang nagtapang tapangan nagmistula namang kahihiyan. Isang pagkakamaling nauwi sa bukingan.
Itago sa pangalan na hiram. Magpakilalang parang walang alam.
Nais ko lang naman ay aminin ang lihim na pagtingin At maibsan ang dinadala ng damdamin.
Ngunit sa paanong paraan mo nalaman ang tunay na katauhan?
Ako ba'y dapat na magalak na iyo nang alam ang nadarama o magluksa pagkat muli mong ipapamukha na ako ay balewala?
Paano ko malalaman kung di ko sinubukan. Oo, sinubukan ko na. Wala naman akong napala. Minsan pala ang lihim kailangang huwag ipagbigay alam na lang dahil kapag hindi nasuklian ng pagpapahalaga ay parang basura na itinapon sa lupa.

No comments:

Post a Comment